DUMEPENSA | Sec. Piñol, itinangging pinagalitan siya ni PRRD

58

Manila, Philippines – Itinanggi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na pinagalitan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi niya pagsipot sa emergency meeting kaugnay ng pananalasa ng bagyong Rosita sa Isabela.

Sani ng kalihim, hindi totoong pinagalitan siya sa halip ay hinanap lang daw siya ng Pangulo.

Paliwanag ni Piñol, nasa Cotabato City siya para bisitahin ang puntod ng kanyang ama at mga kaanak nitong Undas nang mag-abiso ang Presidential Management Staff (PMS) hinggil sa emergency meeting.

Inabisuhan naman daw niya ang Office of the President na hindi siya makakapunta at ipinadala si Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan bilang kanyang kinatawan.

Taliwas sa mga lumalabas na ulat, sinabi ni Piñol na kasama siya ni Pangulong Duterte nang bisitahin nito ang Cagayan Valley, Ilocos at Benguet na pinakasinalanta ng bagyong Ompong noong Setyembre.

Samantala, ngayong Lunes – nakatakda umano siyang magtungo sa Isabela para gawin ang direktiba ng Pangulo.

Facebook Comments