DUMEPENSA | Sylvester Stallone, umalma sa pagsisimula ng imbestigasyon sa kaniyang sexual assault case

593

Hollywood – Umalma ang kampo ng aktor na si Sylvester Stallone sa pahayag ng us prosecutors na sinisimulan na ang imbestigasyon kung mayroong basehan ang kaso ang Hollywood film star.

Ito ay kaugnay ng reklamong sexual assault laban sa 71-year-old actor na ibinunyag ng isang babae noong November 2017.

Ayon sa abugado ng aktor na si Atty. Martin Singer, ang pag-review ng sex crime task force sa kaso ay nagbibigay daan lamang na malagay sa isip ng publiko na totoo ang mga alegasyon sa kanyang kliyente.

Giit ng abogado na noong 1980’s ay nagkaroon ng consensual relationship si Stallone at ang complainant.

Facebook Comments