DUMEPENSA | Vice Ganda, umalma sa mga taong kumukwestiyon sa pagtanggap nito ng kauna-unahang Dolphy Comedy King Award

Manila, Philippines – Sinagot ngayon ng TV host na si Vice Ganda ang mga kumukwestiyon sa kaniya bilang isa sa mga makakatanggap ng kauna-unahang Dolphy Comedy King Award sa nalalapit na 66th FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) award sa June 10.

Unang sinabi ni Vice na hindi siya galit sa mga taong nagtatanong kung bakit nauna pa itong makatanggap ng nasabing award kesa kay Vic Sotto dahil hindi naman daw siya ang may choice nito.

Dagdag pa ni Vice, tila hindi daw masaya para sa kaniya ang mga nagtataas ng kilay matapos siyang mapili kung saan iginiit niya na kailangan lang niyang sumagot para depensahan naman ang sarili.


Facebook Comments