DUMIPENSA | Manny Pacquiao, itinangging "break" na sila ni Coach Freddie Roach

51

Manila, Philippines – Itinanggi ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na nakipag-“break” na siya sa kanyang long-time trainer na si Coach Freddie Roach.

Kasunod ito ng lumabas na balitang nasaktan daw si Roach sa desisyon ng Pinoy boxer na hindi siya pasamahin sa training nang hindi man lang nakikipag-usap ng personal sa kanya.

Pero sa Facebook post, sinabi ni Pacquiao na wala pa siyang desisyon sa kung sino ang magiging head coach niya sa July Fight kontra Lucas Matthysse.

Aniya, patuloy na nakikipag-ugnayan ang advisor niya na si Mike Koncz sa kampo ni Roach.

Ngayong linggo, inaasahang maglalabas na siya ng desisyon at pagtitiyak ng fighting senator, si Roach ang unang makakaalam nito.

Facebook Comments