Dumptruck, nahulog sa bangin sa Laguna; Drayber at pahinante, patay!

52

Laguna, Philippines – Patay ang driver at pahinante ng isang dumptruck matapos na mahulog sa bangin sa Barangay Amuyong sa Laguna noong Sabado.

Ayon sa pulisya – nawalan ng kontrol ang drayber na si Romeo Lumbera pagdating sa isang kurbadang daan sa Manila East Road.

Bago mahulog sa bangin ay bumangga muna ang trak sa mga concrete barrier.

Dead on the spot din ang kasama niyang si John Vismonte dahil sa mga tinamong sugat sa katawan at ulo.

Facebook Comments