
Kumpyansa si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na hindi pwedeng balewalain ang pwersa ng Duterte bloc sa 20th Congress.
Ayon kay Dela Rosa, sa ngayon ay lima na ang kumpirmadong bubuo ng Duterte bloc sa Senado.
Ito ay kinabibilangan nina Sen. Dela Rosa, Senator Robin Padilla, Senator Christopher “Bong” Go, Senator-elect Rodante Marcoleta, at ang kapatid ni Pangulong Bongbong Marcos na si Senator Imee Marcos.
Sinabi ni Dela Rosa na “worth considering” ang lumalakas na pwersa ng Duterte bloc sa Senado at dahil lumalaki silang grupo ay hindi ito dapat balewalain.
Nilinaw naman ni Dela Rosa na hindi sila nagre-recruit sa Duterte bloc kundi nagmanifest ang ilan tulad ni Sen. Imee na sasama sa kanila sa susunod na Kongreso.
Facebook Comments