Duterte-Duterte tandem sa 2022 election, malabo – HNP

Sa kabila ng pangunguna sa survey, nilinaw ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na partido ni Davao City Mayor Sara Duterte na hindi sila interesado sa Duterte-Duterte tandem sa nalalapit na 2022 national elections.

Ayon kay Anthony del Rosario, Secretary General ng HNP, hindi lamang si Mayor Sara kundi maging ang regional party ay hindi sang-ayon sa tandem ng mag-amang Mayor Sara at Pangulong Rodrigo Duterte para sa presidential at vice-presidential posts.

Matatandaang sa pinakahuling survey ng Pulse Asia ay nangunguna ang Duterte-Duterte tandem na nakakuha ng 23% at lumabas din ito sa pinakahuling survey ng Octa Research Tugon ng Masa 2022 na may resultang 28%.


Ang nasabing survey ay sinagutan ng 1,200 respondents mula Hulyo 12 hanggang Hulyo 18 sa pamamagitan ng interbyu.

Nilinaw naman ni Del Rosario na patuloy na susuportahan ng HNP si Pangulong Duterte kung plano nitong tumakbo bilang VP ngunit hindi sa ilalim ng kanilang partido.

Facebook Comments