Duterte-Duterte tandem sa 2022, walang makatatalo – Panelo

865

Walang pag-asa ang oposisyon laban sa “Duterte-Duterte” tandem sa 2022 National Elections.

Ito ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo matapos niyang sabihing nais niya si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang Bise Presidente habang ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang tatakbo sa pagkapangulo sa susunod na halalan.

Sa kaniyang programa, tiniyak ni Panelo na hindi mag-o-overstay si Pangulong Duterte sa Malacañang at tatapusin niya ang kaniyang termino sa kabila ng mga isyu sa kaniyang kalusugan.

Dagdag pa ni Panelo na walang sinumang makatatalo kapag nag-tandem na ang mag-amang Duterte.

Aniya, nangyari na ito nang magsilbi noon si Pangulong Duterte bilang Bise Alkalde ng Davao City habang Alkalde naman si Inday Sara mula 2010 hanggang 2013.

May pagkakataon ding sinabi ni Panelo kay Mayor Sara na parehas sila ng tatahaking landas ng kaniyang ama.

Facebook Comments