Duterte kay Robredo: “You have an angel’s face but a devilish mind”

Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na pinapain siya sa COVID-19 vaccination program.

Ito ay matapos sabihin ni Robredo na dapat mauna si Pangulong Duterte na mabakunahan para mahikayat ang mga tao na magpabakuna.

Sa kanyang lingguhang public address, sinabi ng Pangulo na maraming sinasatsat si Robredo dahil iniisip niya na tapos na siyang mabakunahan.


Aniya, may pagdududa si Robredo na nagpabakuna na siya kasama ang ilang sundalo.

Ginagawa lamang ni Robredo ang mga pahayag para siya ay sumikat.

Para kay Pangulong Duterte, si Robredo ay mayroong mala-anghel na mukha pero may “devilish mind.”

Inimbitahan ng Pangulo ang Bise Presidente na dumalo sa araw kung saan siya magpapabakuna.

Facebook Comments