Dwayne Wade, magreretiro na!

44

Pinasaya ni Miami Heat legend player Dwayne Wade ang kanyang mga fans sa kanyang huling laban bago ito magretiro.

Kaya naman, hindi rin binigo ng team si Wade at nagpakitang gilas din sila kung saan tinambakan ng Heat ang Philadelphia Sixers, 122- 99.


Humataw ang basketball legend sa laro kung saan nakapagtala siya ng 30 points at sinuklian naman ito na mga manonood kung saan sa bawat pagpasok ng kanyang tira ay sumisigaw sila ng “MVP!”.

Sa buong career ni Wade ay nakapagtala siya ng 13,323 points at 574 games sa Heat uniform sa kanilang house court; 401 rito ay panalo.

Labis naman ang pasasalamat ni Wade sa 20,153 fans na dumalo sa kanyang huling laro sa American Arena.

Facebook Comments

From Advertisers