DWNX RMN AT iFM Naga, namayagpag sa latest KBP-Kantar radio survey

60

Namayagpag ng AM at FM stations ng RMN Networks sa Naga City.

Batay sa pinakahuling KBP-Kantar radio survey, number one ang RMN DWNX 1611 sa AM stations na may 5.01 na market share habang pangatlo naman ang 91.1 DWNX FM na may 12.71 na market share.

Kasunod nito, nagpaabot ng pagbati si RMN Executive Vice President – Chief Operating Officer Mr. Rico Canoy sa lahat ng mga Radyoman ng naga kabilang na ang Station Manager ng DWNX na si Radyoman Alfredo Ubaña.


Kinikilala rin ni Mr. Canoy pagsisikap ng lahat ng media frontliners para ihatid ang mga balita, serbisyo publiko at entertainment na Tatak RMN! sa gitna ng mga naranasang hamon pagdating sa technical at political.

Nagpapasalamat din si Mr. Canoy sa mga masugid na tagapakinig, advertising clients at partners sa patuloy na suporta sa lungsod ng naga na “Queen City of Bicol”.

Kamakailan lamang ay nanguna rin sa mga AM at FM Stations sa kantar survey ang RMN at iFM stations sa Dagupan City, Iloilo City at Cagayan de Oro City.



Facebook Comments