DXKR RMN 639, nangunang AM station sa Koronadal City

73

Nananatiling nangunguna ang mga istasyon ng Radio Mindanao Network (RMN) sa Mindanao.

Batay sa pinakahuling KBP-Kantar Survey for 2022, number 1 ang DXKR RMN 639 sa lahat ng AM radio station sa Koronadal City na may 1.99 rating at 83.3 percent market share.

Naungusan ng RMN Koronadal ang Bombo Radyo na nakakuha ng 0.34 rating at 14 percent share.


Ang resultang ito ay isa na namang milestone para sa RMN Networks na magdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag nito sa Agosto.

Kasabay nito, ipinaabot naman ni RMN Koronadal Station Manager Vilza Alcantara ang taos-pusong pasasalamat nito sa kanilang mga tapat na tagapakinig, kliyente, at partner sa istasyon.

Facebook Comments