DZXL 558 Radyo Trabaho team, handa na para sa “RMN Radyo Saya” bukas

32

Naghahanda na ang team ng DZXL 558 Radyo Trabaho para sa isang araw na “RMN Radyo Saya” bukas, May 14.

Iikot ang team sa Barangay 822 Zone 89 sa Paco, Manila na isa sa mga barangay na may pinakamababang kaso ng COVID-19 sa lungsod.


Sampung maswerteng residente ng Barangay 822, Zone 89 ang makakatanggap ng ACS at RMN bag.

Laman nito ang grocery items tulad ng delata, noodles, kape, gatas, biscuit, bigas, face mask, alcohol, vitamins at iba pang hygiene kit.

Mamimigay rin ng cash prize para naman sa Unique smile of the day kung saan kailangan lamang magpa-picture sa ACS photobooth.

Katuwang sa taunang proyekto na ito ng RMN Networks ang ACS Manufacturing Corporation, makers of unique toothpaste.



Facebook Comments