DZXL 558 RMN Manila, magsasagawa ng medical mission kaugnay ng ika-65th anniversary ng Radio Mindanao Network

Manila, Philippines – Ang DZXL 558 RMN Manila ay magsasagawa ng medical mission kaugnay ng
ika- 65th anniversary ng Radio Mindanao Network.

Magkakaroon ng libreng konsultasyon, libreng minor operation, libreng gamot at bitamina para sa mga bata at bloodletting.

Ito ay gagawin sa lahat ng RMN stations sa buong bansa.


Sa Metro Manila, ang medical mission ng RMN DZXL ay gaganapin sa Guadalupe Nuevo Sports Complex, Makati City sa August 20, 2017, araw ng linggo, alas-otso ng umaga.

Para sa mga gustong pumunta sa medical mission ng RMN magparehistro lamang sa aming istasyon sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, EDSA, Makati.

Facebook Comments