DZXL Radyo Trabaho, muling iikot sa ilang barangay sa Makati

28

Susugod ngayong araw ang Radyo Trabaho team ng DZXL 558 RMN Manila sa limang barangay sa lungsod ng Makati.

Magkakaroon ng flyring, stickering at anunsyo ng mga program ng DZXL Radyo Trabaho block.


Ipagbibigay alam din natin ang iba pang programa na pwedeng lapitan ng ating mga kabarangay na hatid ay serbisyo publiko.

Kaya maghanda na kayo dyan sa Barangay Pinagkaisahan, West Rembo, East Rembo, Pembo at Barangay Rizal sa Makati.

At sa susunod na linggo, abangan muli ang pagbisita ng RT team sa inyong mga lugar baka ang barangay niyo na ang sunod naming katukin.

Ito na ang ika-sampung linggo na recorida ng DZXL Radyo Trabaho team.

Facebook Comments

From Advertisers