DZXL-Radyo Trabaho, sinaluduhan ang segurity guard ng isang ospital na nagsauli ng higit isang daang libong piso

60

Isang guwardiya ang hinangaan ngayon dahil sa pagpapakita ng mabuting halimbawa ng pagiging matapat.

Ito ay matapos na isauli ni Jill Tantiado ng AGF Security Agency ang napulot niyang pouch na naglalaman ng libu-libong halaga ng pera.


Kwento ni Tantiado, napulot umano niya ang pouch na nahulog mula sa ambulansiya habang nakaduty siya sa Our Lady of Lourdes Hospital sa lungsod ng Maynila.

Agad niya itong dinala sa kanilang Detachment Commander na si Norbert Obedoza kung saan nang buksan nila ito ay tumambad sa kanila ang laman na aabot sa P101,000.

Ayon kay Tantiado, sa kabila ng matinding pangangailangan at kahit may sakit ang kaniyang asawa ay hindi siya nagdalawang isip na ibalik ito at mas pinili raw niyang pangalagaan ang reputasyon ng kanilang ospital at agency.

Kaya naman sumasaludo ang Radio Mindanao Network sa kabayanihang ipinamalas ni Jill Tantiado bilang halimbawa sa bayan ni Juan.



Facebook Comments