DZXL Radyo Trabaho Team, balik pag-iikot na ngayong araw sa mga PESO sa Metro Manila

19

Balik sa pag-iikot ang Radyo Trabaho team ngayong araw sa iba’t ibang tanggapan ng Public Employment Service Office (PESO) sa Metro Manila.

 

Kasunod na rin ito ng pagluluwag ng restrictions kung saan nanatiling nasa Alert Level 1 ang National Capital Region dulot ng COVID-19 pandemic.

 

Kaya naman, mamayang alas-9:00 ng umaga ay magkakaroon ng courtesy call ang Radyo Trabaho team kay PESO Manager Rogelio Reyes.


 

Dito muling pag-uusapan ng dalawang panig ang mga plano kung papaano magtutulungan sa pagpapakalat ng mahahalagang impormasyon at kaalaman para sa ating mga kababayan na may kinalaman sa trabaho.

 

Ilalatag din ng grupo ang mga programang nakapaloob sa Radyo Trabaho at ipakilala ang mga taong nasa likod at harap ng ating mga programa.

 

Noong nakaraang linggo, lumabas na sa unang pagkakataon ang Radyo Trabaho team at lumahok sa One Stop-Shop Mega Job Fair ng PESO Pasay na ginanap sa Cuneta Astrodome.



 

Sa susunod na linggo, abangan ang panibagong tanggapan ng peso na bibisitahin ng Radyo Trabaho team.

Facebook Comments