DZXL Radyo Trabaho team, bibisita naman ngayong araw sa Parañaque City para sa courtesy call ng PESO

39

Bibisita naman ngayon ang DZXL 558 Radyo Trabaho team sa Parañaque City bilang bahagi ng ating layunin na makatulong para sa pagbibigay ng hanapbuhay sa mga residente ng Metro Manila.

Mamaya, magkakaroon ng courtesy call ang Radyo Trabaho team kay Parañaque City Public Employment Services Office (PESO) Manager Henry Leonardo.

Gaganapin ito mamayang alas nuwebe ng umaga kung saan tatalakayin ang mga plano para sa pagbibigay ng trabaho sa mga taga-Parañaque.


Ito na ang ika-siyam na tanggapang pambayan sa pamamasukan na bibisitahin ng Radyo Trabaho sa Metro Manila.

Noong Miyerkules, naging matagumpay ang pagbisita ng Radyo Trabaho team sa PESO Caloocan na noon pang 2019 natin katuwang sa paghahatid ng serbisyo publiko.

Facebook Comments