DZXL Radyo Trabaho team, muling magsu-sugod barangay sa Tondo!

33

Magpapatuloy ngayong araw ang “recorida” ng Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila.

Muling iikutin ng RT team ang limang barangay sa Tondo, Maynila para mailapit sa masang Pilipino ang mga serbisyong maihahatid ng RT lalo na sa mga naghahanap ng oportunidad.


Magpapamahagi ng mga fliers, stickers at ipo-promote ang mga programang nakapaloob sa Radyo Trabaho block.

Gayundin ang iba’t-ibang serbisyo na libre nating maibibigay sa kanila tulad ng mga may katanungan sa SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, OWWA, POEA, PVAO, DOLE at marami pang iba.

Facebook Comments

From Advertisers