E-Gilas, abante na sa semis matapos ang back-to-back victory kontra Vietnam at Maldives

26

Nagdomina ang E-Gilas Pilipinas kontra Vietnam at Maldives sa group stage sa FIBA Esports Open III.

Pinataob ng pambansang koponan ang Maldives sa iskor 124-30 at naselyuhan ang semis slot ng Pilipinas sa Southeast Asia Conference.


Bago ito, tinalo rin ng Pilipinas ang Vietnam sa iskor 70-48 at kumamada ng 26 points, 4 rebounds at 12 assists.

Magbabalik aksyon ang pambansang koponan ngayong araw para sa best-of-three semis series.

Ang E-Gilas ay isa sa 60 national teams na naglalaro para sa ikatlong edisyon ng FIBA Esports Open.

Facebook Comments