E-PAYMENT FACILITY | Mga passport appointment sa Aseana building, kakailanganin na ng pre-payment

Manila, Philippines – Simula bukas, April 14, 2018, lahat ng passport appointments na ipapa-schedule sa Aseana building ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay kakailanganin na ng pre-payment sa pamamagitan ng e-payment facility.

Kasunod na rin ito ng paglulunsad ng DFA ng passport e-payment.

Layunin nitong pabilisin ang proseso ng aplikasyon at renewal ng pasaporte.


Maliban dito, mas magiging madali o convenient din ito para sa publiko.

Facebook Comments