EARTHQUAKE AT FIRE DRILL, ISINAGAWA BILANG PAGHAHANDA SA ILOCOS NORTE

Nakilahok sa malawakang earthquake at fire drill ang mga empleyado at emergency responders sa Ilocos Norte.

Sumentro ang aktibidad sa mga nararapat gawin sakaling magkaroon ng aksidente sa harap ng kapitolyo, sunog at rescue sa kawani na nakulong sa loob ng gusali.

Isinagawa rin ang aktibidad sa lahat ng bayan upang maihanda ang publiko.

Layunin na malaman ng mga kawani at personnel paano tumugon sa oras ng emergency para sa kaligtasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments