EASTER MSG: Kapayapaan para sa lahat dalangin ni CG Dela Vega

Nakiisa sa pag- oobserba ng mga aktibidad ng Semana Santa ang mga elemento at mga opisyales ng 6th Infantry Division.

Itoy bilang bahagi na rin ng Military Values Education Program ng 6th ID at bilang pagpapalakas ng pananampalataya ng mga sundalong debotong katoliko sa poong lumikha ayon pa kay 6th ID DPAO Chief Army Cpt. Arvin John Encinas.

Isinagawa ang mga aktibidad sa mismong compound ng 6th ID na kinabibilangan ng selebrasyon ng Palm Sunday, Passion of the Cross, Black Saturday Vigil at Easter Sunday Mass.


Samantala, lumahok din sa Station of the Cross at nagpasan pa ng Cross si 6th ID Commanding General MGEN Arnel Dela Vega.

Umaasa naman si CG Dela Vega na maging instrumento ng kapayapaan ang lahat kasabay ng muling pagdiriwang ng pagkabuhay ng panginoon. Matatandaang ipinagdiwang din ni CG ang kanyang kaarawan noong March 28 sa mga ulila sa bayan ng Sultan Kudarat.

Kaugnay nito naging mapayapa ang pangkalahatan ng pag-oobserba ng lenten season sa aor ng 6th ID.

6th ID PICS


Facebook Comments