Economic persona ni Pangulong Duterte, inilatag sa World Economic Forum

142

Manila, Philippines – Ibinida ngayon ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakita ng mga dumalo sa World Economic Forum ang economic persona ni Pangulong Duterte na hindi nakikita ng marami.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ipinagmalaki nila sa dinaluhang World Economic Forum ang Dutertenomics na naglalaman ng economic agenda ng administrasyon na sumasaklaw sa infrastructure at iba pang proyekto na mangeenganyo ng mga negosyante na pumasok sa bansa.


Sinabi ni Tugade na ipinapakita nila ang ginagawang pagtutok ni Pangulong Duterte sa peace, order and security at ang pagsusulong nito sa economic development ng bansa o ang economic persona ni Pangulong Duterte.

Binigyang diin ni Tugade na ang ginagawa ni Pangulong Duterte na sugpuin ang krimenalidad sa bansa ay naaayon sa Dutertenomics dahil hindi magkakaroon ng tunay na economic development kung walang seguridad at kapayapaan.

DZXL558

Facebook Comments