ECONOMIC SABOTAGE | Mga gumagawa ng pekeng gamut, pinaaaresto ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa na arestuhin ang lahat ng mga personalidad na mahuhuli at mapatutunayang gumagawa ng mga pekeng gamot.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na maging ang mga nag-i-import at nagbebenta ay ipinaaaresto din ni Pangulong Duterte at kakasuhan ng economic sabotage.

Paliwanag ni Panelo, ang pag-i-import paggawa at pagbebenta ng pekeng gamot, bukod sa masama sa kalusugan ay makaaapekto ito sa supply and demand na siya namang makaaapekto sa presyo ng gamot sa merkado.


Ang utos aniya ay iniutos ni Pangulong Duterte kagabi sa PNP Chief matapos ang inilabas na babala ng Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko na magingat sa mga kumakalat na pekeng gamot.

Facebook Comments