
Kinumpirma ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go na tinalakay ng economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpatas ng 17% tariff rate ng Amerika sa Pilipinas.
Ayon kay Go, naganap ang pulong kahapon kung saan pinag-usapan ang magiging tugon ng Pilipinas sa hakbang ng US.
Gayunpaman, hindi na nagbigay ng detalye pa si Go kaugnay sa naganap na pulong.
Magkakaroon pa aniya ng hiwalay na pulong ang ASEAN Finance Ministers patungkol dito na dadaluhan ni Department of Trade and Industry o DTI Secretary Maria Cristina Roque.
Matatandaang nagkaroon na nag panawagan ang mga bansang kasapi ng ASEAN na magkakaroon sila ng nagkakaisang apela sa pagpataw ng mataas na tariff rate ng Amerika.