Eddie Garcia, ilalagay sa “do-not-resuscitate” status

401

Nagdesisyon na ang pamilya ni Eddie Garcia na ilagay na sa “do-not-resuscitate” (DNR) status ang beteranong aktor.

Sinabi ni Dr. Tony Rebosa, tagapagsalita ng pamilya, hanggang ngayon ay comatose pa rin si Manoy at wala pa rin desisyon ang pamilya para tanggalin ang nakakabit na life support.


Subalit, nagkasundo na ang pamilya ng 90-anyos na aktor na ilagay na siya sa DNR status.

Sa ilalim ng DNR, wala na silang isasagawa na cardiopulmonary resuscitation (CPR) kung sakaling mahirapan at mawalan ng paghinga at huminto na sa pagtibok ang puso ang pasyente.

Mahigit isang linggo na rin ang kalagayan ng aktor dahil sa “severe cervical fracture” matapos maaksidente sa shooting na ginagawa niyang proyekto.

Facebook Comments

From Advertisers