Eddie Garcia, kinabitan ng life-support

Photo Courtesy: globeph //Screenshot from the movie "Hintayin Ng Langit"

Kinabitan na ng life support ang award winning actor na si Eddie Garcia.

Ayon sa spokesperson ng pamilya Garcia na si Dr. Tony Rebosa, naka life support na ang 90 year old veteran actor dahil nahihirapan na siyang huminga.

Batay sa medical bulletin ng aktor, nasa kritikal na kondisyon ngayon si Eddie, comatose at hirap sa paghinga.


Matatandaang isinugod sa ospital ang aktor matapos maaksidente sa ginagawang shooting ng isang TV network kung saan nagkaroon siya ng neck fracture.

Humihingi ngayon ng mas marami pang dasal ang pamilya ng aktor para sa kanyang mabilis na paggaling.

Facebook Comments