Eddie Garcia, nakitaan ng “minimal brain activity”

327

Nakitaan ng “minimal brain activity” ang beteranong aktor na si Eddie Garcia base sa kanyang medical bulletin.

Ito ay makaraang sumailalim sa electroencephalogram o EEG test ang actor na ginagawa para makita ang electrical activity sa utak ng isang tao.


Gayunman, ayon kay Dr. Regina Macalintal Canlas – nananatiling kritikal ang kondisyon ni Eddie at nakadepende pa rin ito sa ventilator para makahinga.

Matatandaang Hunyo 8 nang maaksidente sa taping sa Tondo, Maynila ang aktor para sa isang teleserye.

Nito lang Martes nang masungkit pa ng beteranong aktor ang “Best Actor” award sa Gawad Urian.

Facebook Comments

From Advertisers