Eddie Garcia, patuloy na lumalaban

571

Milagro na itinuturing ng pamilya ng beteranong aktor ang patuloy niyang pakikipaglaban dahil sa tinamong severe cervical fracture habang nagsho-shooting para sa isang upcoming soap opera.

Sa inilabas na latest medical bulletin report ng Makati Medical Center, comatose at kritikal pa rin ang kondisyon ni Manoy.


Ayon kay Dr. Tony Rebosa, spokesman ng pamilya, malala ang neck fracture ng movie icon kaya maituturing na milagro na buhay pa rin ito matapos ang insidente.

Kaya hindi pa rin aniya pinipirmahan ng kanyang pamilya ang waiver para tanggalin ang nakakabit na life support sa beteranong aktor.

Bagamat walang sinisisi ang pamilya sa insidente, sinabi ni Rebosa na hindi sana lumala ang lagay ni Manoy kung mga paramedic ang bumuhat sa kanya.

Sa ngayon ay patuloy na humihingi ng panalangin ang pamilya ni Garcia para sa agarang paggaling nito.

Facebook Comments

From Advertisers