
Abiso sa mga motoristang daraan sa EDSA Southbound mamayang gabi.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) magsasagawa ang Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) ng geopolymer lifting injection sa EDSA Southbound.
Ito ay sa pagitan ng Boni Serrano footbridge at General Tinio footbridge mamayang gabi mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga.
Ang geopolymer lifting injection ay isang proseso kung saan ay bubutasan ang bahagi ng kalsada at saka lalagyan ng geopolymeric material.
Titigas ito sa loob kaya’t maiiwasan na masira pa ang ibabaw na bahagi ng kalsada.
Facebook Comments