EDSA, hindi lalagyan ng toll ayon sa Palasyo

Walang plano ang pamahalaan na magpatupad ng toll sa mga motoristang dadaan sa EDSA.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi bahagi ng Duterte Administration ang ganitong inisyatibo.

Sang-ayon naman si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na patawan ng toll ang mga motoristang dadaan sa EDSA para mapaluwag ang trapiko.


Una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang panukalang EDSA toll ay iminungkahi lamang ng ilang stakeholders at hindi pa ito pormal na napag-uusapan ng gobyerno.

Facebook Comments