EDSA rebuild, mananatiling suspendido hangga’t walang konkretong rerouting plan — PBBM

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mananatiling suspendido ang EDSA rebuild hangga’t walang maayos at konkretong plano.

Sa kaniyang vlog, sinabi ni Pangulong Marcos na isa ang sektor ng transportasyon sa mga pinagtuunan niya ng pansin nitong mga nakaraang linggo.

Ayon sa Pangulo, hindi pa dapat simulan ang proyekto hangga’t wala pang maayos na rerouting plan at hindi pa handa ang mga local government units (LGU) para hindi makaabala sa mga motorista at pasahero.

Masyadong matagal din aniya ang planong dalawang taong rehabilitasyon ng EDSA na siguradong magdudulot ng matinding abala sa publiko.

Matatandaang ipinag-utos ng Pangulo ang isang buwang suspensyon ng EDSA rebuild nitong June 1 dahil may mga bagong teknolohiya na maaaring gamitin para mapabilis ang proyekto, na hindi pa isinama sa orihinal na plano.

Facebook Comments