Nilinaw ng Local Youth Development Office ng Infanta na hindi kanselado ang Educational Assistance Program ng lokal na pamahalaan kasunod ng kumakalat na anunsyo sa kanselasyon umano nito.
Ayon sa tanggapan, ilang salik tulad ng Election Ban at transisyon sa administrasyon ang nakaapekto sa pansamantalang pagkaantala ng financial distribution at processing.
Tiniyak naman ang agarang pagpapatuloy ng operasyon ng programa para sa mga residente.
Hinimok naman ang publiko na piliing makibalita sa opisyal na account at opisina ng tanggapan para sa mga anunsyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments