Efren “Bata Reyes at Francisco dela Cruz, bigong makausad sa quarterfinals sa English billiards sa SEA game

239

Sports – Bigong makapasok sa quarterfinals ng English billiards sa SEA Games sina Efren “Bata” Reyes at Francisco dela Cruz matapos talunin ng team ng Vietnam.

Ayon kay Reyes, inaasahan na nilang mangyayari ito dahil hindi nila gamay ang ganitong klase ng laro sa bilyar.

Sinabi naman ni dela Cruz, dalawang buwan ang kanilang nailaan sa pagsasanay sa English billiards dahil walang gustong maglaro nito sa Philippine team.


Magugunitang lumaban at naiuwi ni Reyes ang gintong medalya sa naturang event noon pang 1987 sea games sa Jakarta, Indonesia pero giit nito na matagal na itong walang ensayo sa nasabing laro sa bilyar.

Facebook Comments