
Bukas na rin ang Egypt na tanggapin ang mga produktong pang agrikultura ng Pilipinas.
Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) na makapagbukas ng mas malalim na agricultural trade ties sa bansang Egypt.
Bahagi ito ng mas malawak na inisyatibo ng DA na dagdagan pa ang export destination ng bansa lalo na sa North Africa.
Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel, bukas na ang Egypt sa pag-aangkat ng durian mula sa Pilipinas kaya inaasahan nilang mapapalawak pa ito pati na sa mga produkto gaya ng mangga at saging.
Bilang tugon dito, isinasapinal na ng ahensya ang Pest Risk Assessment (PRA) sa mga ubas at patatas mula Egypt.
Ayon sa ahensya, tinalakay na rin ang posibilidad ng pag-angkat ng bawang at sibuyas mula sa Egypt, at planado na rin ang technical assistance and information exchange sa dalawang produktong ito.