EID’L FITR | Morning prayer ng mga Muslim communities sa QC, sinimulan na

27

Manila, Philippines – Alas 6:30 kanina nang pasimulan ng mga kapatid nating Muslim ang morning prayer sa Liwasang Aurora sa Quezon City Circle ang kanilang morning prayer.

Ito ay kaugnay sa selebrasyon ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng isang buwang fasting sa panahon Ramadan.

Libu-libong mga kapatid nating muslim ang nakiisa at dumalo sa morning prayer sa Quezon City Circle at pagkatapos nito ang salu-salo ng bawat pamilya.

Ang selebrasyon ng Eid’l Fitr ay mahalaga sa kanila dahil ito ang panahon na pinatitibay ang pagkakaisa,pagmamahalaan at pagpapatawaran sa kani-kanilang pamilya at komunidad.

May ganito ding selebrasyon sa Barangay Culiat sa Quezon City, Muslim community sa Taguig at Quiapo sa Maynila.

Facebook Comments