EJ Obiena, nagwagi ng bronze medal sa prestihiyosong Silesia Diamond League

45

Ipinagpatuloy ni Filipino pole vault star EJ Obiena ang kanyang mga panalo nang muling makakuha ng bronze medal sa prestihiyosong Silesia Diamond League sa Poland noong Sabado.

Ito ay matapos malagpasan ni Obiena ang 5.73-meter mark sa kanyang ikalawang subok kaya nakuha niya ang bronze podium spot.

Si Sondre Guttormorsen ng Norway ay tumalon din sa 5.73-meter tulad ni Obiena, at nasungkit ang silver medal matapos matalon ang nasabing marker sa unang subok lang.


Ang reigning Olympic Champion at World Record Holder na si Armand Duplantis ng Sweden naman ang nakakuha ng gold medal nang magtala ng bagong meet record na 6.10-meters.

Bago naman ang tournament na ito, nauna nang nag-uwi si Obiena ng makasaysayang bronze medal mula sa World Athletics Championships noong Hulyo.

Facebook Comments