Ekonomiya ng bansa, nasa recession na dahil sa pandemya ayon sa PSA

59

Aminado si National Statistician Claire Dennis Mapa, na nasa recession na ang ekonomiya ng bansa.


Ito’y kasunod ng -16.5 percent na pagbaba ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa second quarter ng 2020.

Sinabi ni Mapa na kung susumahin ang resulta ng first quarter at second quarter ng GDP, nasa -9 percent ang first half GDP ng bansa.

Sa pagtaya ni Mapa, posibleng maitala ang 1.9 percent na GDP sa huling bahagi ng 2020.

Dahil sa global pandemic, maraming kapitbahay na bansa ang bumaba rin ang GDP sa negative level dahil sa COVID-19.

Ang Indonesia ay nasa -5.8 percent, Singapore -12 percent at Hong Kong -9 percent.

Pero, pinakamataas pa rin ang ibinaba ng Pilipinas na -16.5 percent.




Ito ay pinakamababang naitalang GDP sa quarterly growth ng bansa simula noong 1981

Naitala ang 2nd quarter na pagbaba ng GDP sa mga buwan ng Abril hanggang Hunyo kung kailan ipinairal ang mga community quarantine homes.

Dahil sa pandemya, ang industry at services ay parehong bumaba ng 21.7 percent at 14.5 percent.

Bumaba din ang accomodation and food services ng 68.0 percent, habang ang agrikultura ay umangat ng 1.2 percent.

Facebook Comments