Ekonomiya sa Eastern Visayas, inaasahang mapapasigla ng modernisasyon ng Calbayog Airport

48

Inaasahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade na mas uunlad ang ekonomiya, kalakalan at turismo sa Samar kasabay ng modernisasyon ng Calbayog Airport.

Kahapon, pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagpapasinaya sa development projects sa paliparan.

Maaari na itong mapakinabangan ng 450 pasahero kumpara sa dati nitong 76-passenger capacity.


Naniniwala rin ang DOTr na makakatulong ang pagsasaayos sa Calbayog Airport upang lalong mapasigla ang economic activities sa buong Region 8.

Facebook Comments