EKONOMIYA | Senator Lacson, umapela kay Pangulong Duterte

302

Manila, Philippines – Nanawagan si Senator Panfilo Ping Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibaling nito ang atensyon mula sa kampanya laban sa iligal na droga patungo sa ekonomiya ng bansa.

Para kay Lacson, naibaba na ni Pangulong Duterte ang deriktiba ukol sa war on drugs at mainam na ipaubaya na niya ito sa Philippine National Police at sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Ipinaliwanag ni Lacson na mas malaking problema ang kinakaharap ng ating ekonomiya dahil sa nakaambang paghataw ng pagtaas ng presyo ng bilihin o inflation rate sa 6% ngayong Setyembre o kaya ay sa Oktubre.

Bunsod nito ay umaasa si Lacson na kakalampagin at pakikilusin na agad ni Pangulog Duterte ang kanyang mga economic managers.

Facebook Comments