Wednesday, May 20, 2026

Electric power industry stakeholders, inatasan ng ERC na ipatigil ang disconnection sa consumers na hindi nakakabayad ng kuryente

Naglabas ng kautusan ang Energy Regulatory Commission (ERC) hinggil sa pansamantalang pagpapatigil sa power disconnection sa mga konsyumer na hindi agad nakabayad ng kanilang electric bills mula Mayo hanggang Hulyo 2026.

Ang direktiba ay ipinaabot ng ERC sa lahat ng umiiral na state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis.

Sakop ng kautusan ng komisyon ang residential at non-residential consumers.

Ipinag-utos din ng ERC ang pagpapatupad ng flexible payment arrangements o utay-utay na bayad sa consumers na may monthly consumption ng hanggang 200 kilowatt-hours.

Inatasan din ng ERC ang distribution utilities na magsumite ng compliance reports sa loob ng 30 araw pagkatapos ng sakop ng billing period sa Aug. 30, 2026.

Facebook Comments