Electronic-based at contactless transaction sa gobyerno, lusot na sa ikatlo at huling pagbasa

33

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang E-Government Act na layong gawing electronic-based at contactless ang lahat ng serbisyo at transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.


Sa botong 229 affirmatives at wala namang pagtutol ay lumusot na sa final reading ng Kamara ang House Bill 6927 o E-Government Act.

Layunin din ng panukala na makasunod na ang gobyerno sa ipapatupad na “new normal” ngayong COVID-19 pandemic gayundin ang mapagbuti ang “ease of doing business” ng bansa.

Inaatasan dito ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtatag ng isang E-Government Master Plan na isasailalim sa review kada tatlong taon.

Bahagi ng master plan ang mga pamamaraan para ma-digitize ang paper based documents at government online payment system.

Matatandaan na noong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte ay hinimok nito ang Kongreso na mahinto na ang paper-based official transactions at pagpila ng mahaba sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Facebook Comments