Elha Nympha at boyfriend na si Brian Gazmen, hiwalay na!

86

Hiwalay na ang “The Voice Kids” champion Elha Nympha sa boyfriend at kapwa singer na si Brian Gazmen.

Mismong si Brian ang nag-confirm nito matapos siyang mag-post sa kanyang social media account.


Sa Twitter post ni Brian, sinabi niya na “happy and single” siya na inulit din niya sa kanyang video sa TikTok.

Hindi naman idinetalye nito kung bakit sila naghiwalay.

Samantala, kalat naman sa social media ang naging post ni Elha sa Instagram stories na tila patama sa inilabas na pahayag ni Gazmen.

Say ni Elha, “’wag pa-victim at tigilan na ang paggamit sa kanya”.




Nabatid na isa si Brian sa naging inspirasyon ni Elha kaya pumayat siya.

Facebook Comments