Elite, Gin Kings panalo sa mga laro nito sa PBA

Bukas pa sa Blacwater Elite ang ‘pintuang’ makapasok sa semifinals matapos ilampaso sa do-or-die game ang Rain or Shine 100-96 sa PBA Commissioner’s Cup.

Para kay Bida Player of the Game Bobby Ray Parks na kumamada ng 28 puntos – kailangan ng change sa mentality at magkaroon ng adjustment sa laro.

Bukas ang do-or-die best-of-three series ng dalawang koponan.


Tinambakan naman ng Barangay Ginebra ang Magnolia Hotshots 106-80.

Ayon kay Justin Brownleee na nagtala ng 30-points, nine rebounds – masarap sa pakiramdam na nakuha nila ang semifinal ticket.

Hinihintay na lamang ng Barangay Ginebra ang sinumang manalo sa pagitan ng TNT KaTropa at Alaska Aces para makaharap nila sa best-of-five semifinals.

Facebook Comments