Ellen Adarna at Derek Ramsay, muling pinaingay ang social media

394

Laman na naman ng social media sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Matapos kasi ang kanilang yoga pose na pinag-usapan noong nakaraang linggo, isang unique kissing pose naman ang ginawa ng dalawa.


Sa Instagram ni Ellen, ibinahagi nito ang photo collage nila ni Derek na naghahalikan habang buhat-buhat siya ng kanyang aktor.

May hashtag itong #workinout, #annoyingcouple, #effort, #feelingyoung, #walangmagawa pati na rin ang #stayathome.

Ang kanilang unique kissing pose ay agad na umani ng 100,000 likes, ilang minuto pa lang ang nakararaan matapos na maipost ito sa Instagram.

Marso nitong taon ng ma-engage ang dalawa.



Facebook Comments