Ellen Adarna – itinangging buntis siya!

348

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng sexy actress na si Ellen adarna ang mga kumakalat na balitang buntis raw siya.

Kasunod ito ng inilabas na article ng kolumnistang si Ricky Lo sa kanyang fanfare column sa isang pahayagan na may pamagat na “is Ellen Adarna preggy?”


Sa kolum, nakasaad na isang kaibigan raw ni Ellen ang nagsabi kay Ricky tungkol sa umano’y pagbubuntis nito.

Pero say ng sexy actress, hindi totoong buntis siya at walang kinalaman rito ang isang buwan niyang pagla-lie low sa showbiz.

Aniya, nagbakasyon lang siya noon sa Cebu kasama ang kanyang pamilya.
DZXL558

Facebook Comments