Ellen Adarna, naghain daw ng TPO laban kay John Lloyd Cruz?

1003

How true ang chikang nag-file raw ng Temporary Protection Order (TPO) ang sexy-actress na si Ellen Adarna laban kay John Lloyd Cruz?

Halos isang linggo ito matapos pumutok ang balitang hiwalay na ang dalawa matapos ang dalawang taong pagsasama.


Sinasabi ring “co-parenting” na lang ang status ngayon nila Ellen at John Lloyd alang-alang sa kapakanan ng kanilang 1-year old son na si Elias Modesto.

Sa ulat naman ng Super Balita Cebu noong Martes na ibinahagi rin ng batikang manunulat na si Ricky Lo sa kanyang “funfare” column sa the Philippine Star, sinasabing na-ispatan si Ellen sa Cebu Regional Trial Court noong Hulyo na hinihinalang naghain ng TPO para pigilang makalapit ang aktor sa kanilang anak.

Pero ayon sa source ng isang online entertainment portal, parang wala naman daw ganun.

Katunayan, bago nag-bakasyon sa Thailand si Ellen at BFF na si Beauty Gonzales kasama ang kanilang mga anak ay nasa Cebu naman si John Lloyd.

At kung nagtataka ang ilan na wala ngayon sa Cebu ang aktor, nasa Vietnam daw kasi ito.

Samantala, nananatili namang tahimik ang dalawa tungkol sa isyu.

Facebook Comments

From Advertisers