Ely Buendia, itinangging mayroong Eraserheads reunion

34

Itinanggi ng lead singer ng Eraserheads na si Ely Buendia na magkakaroon sila ng reunion concert.

Ayon kay Buendia, nakarating sa kaniya na mayroong nagbebenta ng ticket ng umano’y reunion concert nila na nagkakahalaga ng P75,000 para sa VIP ticket.


Hindi raw siya aware na mayroon pala silang reunion ngayong taon o sa future.

Nagpaliwanag rin ang singer na hindi lang siya ang nagdedesisyon para sa kanilang reunion kaya huwag raw siyang sisihin kung bakit hindi ito natutuloy.

Nabatid na ito na ang ikalawang pagkakataon na may kumalat na umano’y Eraserheads reunion.

Facebook Comments

From Advertisers