Embahada ng Pilipinas, inaalam kung mayroong Pilipinong nasaktan sa pagsabog sa Abu Dhabi

159

Bineberipika ng Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi kung mayroong mga Pilipinong nasaktan sa nangyaring pagsabog sa Airport Road.

Nabatid na dalawa ang naiulat na nasawi sa pagsabog, isa ay malapit sa pinangyarihan ng insidente habang ang isa ay natamaan ng debris ngunit hindi pa malinaw ang nationality ng mga ito.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), binabantayan nila ang pinakabagong sitwasyon sa lugar at handa silang magpaabot ng tulong sa mga Pilipinong posibleng nadamay.

Ayon kay Ambassador to United Arab Emirates (UAE) Hyayceelyn Quintana, nagpadala na ng Embassy personnel sa lugar at nakikipag-coordinate na ito sa local police.

Umaasa ang DFA na wala nang maiuulat fatalities at serious injuries kasunod ng insidente.

Facebook Comments